Napanatili pa rin ng bagyong Inday (international name: Muifa) ang kanyang lakas habang patuloy na tinatahak ang direksiyong pa-hilaga.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration(Pagasa), huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 360 kilometers northeast ng Itbayat, Batanes.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 165 kilometers per hour (kph) at pagbugsong 205 kph malapit sa gitna.
Sa ngayon ay tinatahak nito ang north northwest sa bilis na 10 kph.
Sinabi ng Pagasa na posibleng hindi na direktang makakaapekto ang naturang bagyo sa bansa.
Pero ang outermost rainbands ng bagyo ay bahagyang magpapa-ibayo sa Southwest Monsoon (habagat) at magdadala ng pag-ulan at thunderstorms sa Batanes at ang western sections ng central at southern Luzon.
Asahan naman daw sa Central Luzon, Calabarzon, Bicol region, Mimaropa and Western Visayas ang occasional monsoon rains sa Miyerkules.