-- Advertisements --
track goring

Bahagyang bumilis ang bagyong Goring, habang nananatili sa silangang parte ng Philippine Sea.

Huling namataan ang sentro nito sa layong 355 km sa silangan hilagang silangan ng Calayan, Cagayan o 300 km sa silangan Basco, Batanes.

Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

May taglay itong lakas ng hangin na 55 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 70 kph.

Inaasahang lalakas pa ang bagyong Goring sa loob ng mga susunod na oras.