-- Advertisements --

Nagbabanta muli ang mga serye ng pag-ulan sa 13 rehiyon sa Pilipinas ngayong araw, June 24, dahil sa pag-iral ng monsoon rains at ang extension ng bagyong Francisco na papalayo na sa teritoryo ng Pilipinas.

Ang mga naturang rehiyon ay pawang nasa ilalim ng flood warning na inilabas ng state weather bureau.

Inaasahang magpapa-angat sa antas ng tubig sa mga kailugan ang mga serye ng pag-ulan na posibleng umabot sa mga kabahayan at mabababang komunidad. Kinabibilangan ito ng mga sumusunod na rehiyon:

CAR (Cordillera Administrative Region)
Region 1 (Ilocos Region)
Region 2 (Cagayan Valley)
Region 3 (Central Luzon)
Region 4-A (CALABARZON)
Region 4-B (MIMAROPA)
Region 5 (Bicol)
Region 6 (Western Visayas)
Region 7 (Central Visayas)
Region 8 (Eastern Visayas)
Region 9 (Zamboanga Peninsula)
Region 10 (Northern Mindanao)
BARMM

Bagaman bahagyang bumubuti na ang sitwasyon sa ilang lugar at unti-unti na ang pag-araw, hindi inaalis ng state weather bureau ang posibilidad na magpapatuloy pa rin ang pag-ulan sa maraming lugar.

Binabantayan din ng weather bureau ang isa pang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility.