-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Ngayon pa lamang ay naghahanda na ang Catanduanes na tinatayang lubos na maaapektuhan ng Bagyong Dante sa Bicol.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Jun Pantino, ang weather forecaster ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration)-Catanduanes, araw ng Miyerkules bukas inaasahang lalapit ang “eye wall” ng bagyo sa lalawigan na magdudulot ng malakas na ulan at hangin.

Kaagad namang nag-abiso ang opisyal sa lahat ng mga mangingisda na iwasan na munang pumalaot upang hindi abutan ng masamang lagay ng panahon sa gitna ng dagat.

Nakatakda ring magpulong ang Disaster Risk Reduction and Management Council, gayundin ang local government units, at iba pang concerned agencies, upang mapag-usapan ang mga gagawing hakbang patungol sa bagyo.

Samantala, pinalilikas na ang mga residente na malapit sa baybaying dagat, gayundin ang mga nasa flashflood at landslide prone areas.