Iniulat ng state weather bureau PAGASA, na bumagal ang galaw ng Bagyong Bising (international name Surigae) habang patungo sa karagatan ng Pilipinas.
Batay sa inilabas na weather bulletin ng PAGASA as of 5 a.m. kanina, ang nasabing bagyo ay magdadala ng moderate to heavy rains Eastern Visayas at Bicol region.
Ayon sa PAGASA, mababa ang tsansang maglandfall ang bagyo dahil may high-pressure area sa kabilang gilid ng bagyo.
Paliwanag naman ni PAGASA weather forecaster Ariel Rojas, magiging pahilaga ang pagkilos ng bagyo at nananatili ang kaniyang sentro sa gitna ng karagatan.
Ang mga sumusunod na lugar na isinailalim sa tropical cyclone wind signal no. 2, ay ang mga sumusunod:
Catanduanes
Visayas
Northern Samar
Eastern Samar
Samar
Storm signal no. 1, naman sa mga sumusunod na lugar:
Eastern portion of Camarines Norte (San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes, Basud)
Camarines Sur
Albay
Sorsogon
Masbate including Burias and Ticao Islands
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Northern portion of Cebu (Tabogon, Borbon, San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan) including Bantayan and Camotes Islands
Dinagat Islands
Surigao del Norte including Siargao and Bucas Grande Islands
Northern portion of Surigao del Sur (Cagwait, Tago, Bayabas, Tandag City, Lanuza, Cortes, Carmen, Madrid, Cantilan, Carrascal)
Nagbabala naman ang PAGASA na makakaranas ng rough to very hign seas ang northern at eastern seaboard ng Eastern Visayas, kung saan delikadong bumiyahe para sa ibat ibang uri ng sasakyang pandagat.