-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nasa 95% na ang naibalik na suplay ng kuryente sa Albay matapos manalasa ng Bagyong Ambo ayon sa Albay Power and Energy Corporation (APEC).

Aminado si APEC Corporate Communications Officer Lesley Capus sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ilang barangay pa sa ikatlong distrito ang nahihirapan silang mai-restore ang suplay dahil sa napinsalang powerlines at transformer.

Iba-iba naman ang sitwasyon sa bawat barangay habang mayroon ding ilang na-isolate dahil sa nasirang tulay na hindi pa madaanan hanggang sa ngayon.

Samantala, hindi nakalimutan ni Capus na pasalamatan ang mga frontliners na nagtrabaho sa kabila ng bagyo.

Napag-alaman na nasa 44 teams sa buong Albay ang ipinakalat sa pagresponde sa mga napinsalang linya at para sa mas mabilis na power restoration.