-- Advertisements --
image 429

Maliban sa mga lungsod dito sa Metro Manila, naglatag na rin ng liqour ban ang Baguio City na isa sa mga lugar sa buong Luzon na magsisilbing testing site para sa 2023 Bar Exams.

Sa Executive Order No. 118 na inilabas ni Mayor Benjamin Magalong, magiging epektibo ito simula mamayang hatinggabi, September 16, hanggang 10PM bukas, September 17.

Magkakaroon muli ng liqour ban na magsisimula sa hatinggabi ng Sep 19 at matatapos sa 10PM ng Sep 20.

Kahalintulad na schedule rin ang susundin sa Sep 23 hangang 24.

Sa ilalim ng naturang kautusan, ipinagbabawal ang pagbebenta, pagdadala, pagbibigay, at maging ang paghahain ng mga alak sa ground ng St Louis University-Bagiuo kung saan gaganapin ang Bar Exam.

Epektibo rin ito sa loob ng 50-meter radius ng naturang unibersidad.

Aabot sa 1,049 katao ang nakatakdang sumabak sa Bar Exam sa naturang syudad.