-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Simula May 21 ay pwede nang bumalik ng Baguio City ang mga residente nilang na-stranded sa iba’t-ibang lugar dahil sa enhanced community quarantine ng Luzon.

Target daw ng Returning Baguio Residents Task Force na muling buksan ang lungsod para sa mga naipit ng quarantine na residente, matapos ang desisyon ng local government unit.

Ang magiging requirement lang daw sa returning Baguio residents ay health declaration form na nasa website ng LGU.

Ito raw ang magtatakda para payagang makauwi ng siyudad ang stranded ng mga residente.

Nilinaw ng task force na posibleng i-quarantine sa designated holding facilities ng lungsod ang ilan.

Sa ngayon ang prayoridad daw ng lungsod ay yung mga may sariling sasakyan at kumpletong dokumento.