Posibleng malagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang New Government Procurement Reform Law sa darating na buwan ng Mayo bago ang State of the Nation Address (SONA).
Ito ang inihayag ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr.
Sinabi ni Gonzales nakapag-usap sila ni Senate President Juan Miguel Zubiri at kanilang tinalakay ang panukalang new procurement law kung saan siya at si Speaker Martin Romualdez ang principal authors.
Ina-asahan naman ni Speaker Martin Romualdez na aprubahan ng Senado ang House Bill (HB) No. 9648 o ang kanilang bersiyon na new procurement law sa sandaling magbalik session ang Kongreso sa susunod na buwan.
Paliwanag naman ni Senior Deputy Speaker Gonzales ang nasabing panukalang batas ay isa sa priority measure ng Pangulong Marcos.
Punto ni Gonzales ang pagpapatibay sa panukalang new procurement law ay maaaring maiklian kung pagtibayin na lamang ng Senado ang House Bill 9648 ng Kamara na naglalayong i repeal o palitan ang Republic Act (RA) No. 9184, ang kasalukuyang procurement statute.
Inaprubahan ng Kamara ang House Bill No.9648 nuong buwan ng December ng nakaraang taon at sinimulan na rin ng Senado ang deliberasyon ng kanilang bersiyon sa second-reading nuong Lunes.
Mahalaga din ang nasabing batas dahil naghihintay ang judiciary lalo at ang Supreme Court ay may mga naka linyang proyekto sa ibat ibang bahagi ng bansa na layong tugunan ang kakulangan nila ng mga courtrooms.
Sa ngayon kasi hindi pa sila makapag bid dahil kailangan ma-amiyendahan ang Republic Act 9184.
Paliwanag ni Gonzales na ang bersiyon ng Kamara ay magpapaikli sa procurement process mula sa 120 days ay magiging 27 days na lamang ito.
Ang isa pang mahalagang feature sa nasabing panukalang new procurement law ay ang pagtanggal sa requirement para sa post-qualification of bidders.