Nananawagan ngayon ang bagong talagang spokesperson ng PNP na labanan ang fake news.

Ayon kay PNP spokesperson Chief Supt. John Bulalacao na isa sa kaniyang tututukan ngayon ang pagtukoy sa peke na mga balita.

Giit ni Bulalacao na ang mga impormasyon na lalabas sa PNP ay pawang katotohanan lamang daw.

Tiniyak ni Bulalacao na magiging transparent sila sa publiko lalo na ngayon na balik sa drug war ang Philippine National Police lalo na ang kanilang kontrobersiyal na Oplan Tokhang.

Aniya, pinag-aaralan na nila sa PNP kung paano lalabanan ang fake news.

Tiniyak din ni Bulalacao na bubuo sila ng mga hakbang para maging mas transparent o bukas pa ang PNP sa publiko.

Aminado si Bulalacao na malaking challenge ang kaniyang trabaho ngayon dahil sa advent ng social media.