-- Advertisements --

Nagdeklara na ng giyera kontra hazing ang newly-installed Philippine Military Academy (PMA) Cadets Commandant na si B/Gen. Romeo Brawner.

Ito’y ilang araw matapos mag-assume sa kaniyang pwesto nitong Huwebes kasunod ng insidenteng pagmamaltrato kay 4CL Darwin Dormitorio na naging dahilan ng pagkamatay nito..

Sa panayam kay Brawer, kaniyang sinabi na aasahan nito na tatalima rito ang mga kadete.

“Nung nag-assume ako ng post kaagad akong nagdeklara ng war against hazing and then I told all the cadets that I expect one of them to tow the lines so dapat lahat kami dapat mag wage ng war against hazing and they said they are willing to help and join me in that campaign,” wika ni Brawner.

Bukod sa “war vs hazing” declaration, tututukan din ni Brawner ang mental health ng mga kadete partikular ang mga plebo na nagkak- trauma sa training.

Marami aniyang programa ang nakalinya kabilang ang pagpapalakas ng honor system.

“Unang-una palalakasin natin ‘yung honor code, ‘yung honor system is perfect but the implementation is sometimes different among the cadets the companies so gagawin nating uniform,” dagdag pa ni Brawner.

Nais din nito mapalakas ang authority ng 1st classmen na siyang mag-a-administer sa cadet corps.