-- Advertisements --

Nangako ang bagong Philippine Navy chief ng pagpapaigting pa ng pagpapatrolya para maprotektahan ang maritime teritorry ng bansa.

Ang naturang pahayag ni Rear Admiral Toribio Adaci Jr. ay kasunod ng panibagong engkwentro sa pagitan ng Pgilippine Navy ship at Chinese Coast Guard vessel sa may West Philippine Sea partikular malapit sa may Pag-asa island.

Una na ring nag-isyu ang Pilipinas ng note verbale sa China na humihiling para linawin ang nangyaring insidente bunsod na rin ng magkasalungat na naging pahayag mula sa magkabilang panig.

Nag-ugat ang naturang insidente kung saan ayon sa Western Command ng Armed Forces of the Philippines official ay pwersahang kinuha ng Chinese Coast guard mula sa kustodiya ng Philippine Navy ang isang unidentified floating object na pinaniniwalaang debris ng rocket na inilunsad ng China kamakailan na posibleng bumagsak sa isla. Subalit itinanggi naman ito ng Chinese Embassy at sinabing kinuha nila ang naturang bagay sa pamamagitan ng isang friendly consultation.