-- Advertisements --

Bagong Bayangi Hong Kong Executive Eagles Club ng The Fraternal Order of Eagle-Philippine Eagles Incorporated. January 28, 2024 at Starverse ,Tsim Tsa Tsui Center, Tsim Tsa Tsui Hong Kong.

Matagumpay na ginanap kahapon ang makasaysayang Induction at Chartering sa mga New Members and Officers ng mga Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club at Lady Eagles Club ng NCR X at Grand Hong Eagles Club at Lady Eagles Club ng , XXI at NCR X XXI na kaakibat na ng The Fraternal Order Eagle Philippine Eagles Incorporated

Sila ay pinanumpa ng kanilang Eagle National President na si Ronald Delos Santos na mula pa sa Pilipinas na siyang nag induct at nag chartered ng nasabing Eagles Club, kasama ang mga Sponsoring Eagles Club at Region ng NCR-X at CLR XXXI.

Si Mar De Guzman na isang Retired Police Officer sa Pilipinas at OFW ngayon ay nanumpang Charter Club President ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club at si Marites Cruz na isa ring OFW ang namumpang Charter Lady Eagle President ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Lady Eagles Club.

Ang Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club ay inumpisahang itayo sa Hong Kong noong nakaraang taon pa ng mga Full Pledge Eagle member na mula sa ibatb-ibang Clubs na sina Eagle Mar De Guzman, Eagle Ricky Sadiosa, Eagle Riche Burias, Eagle Abbel Maccabecha, Eagle Mark Jay Gomez at Eagle Samson Rivo at dahil sa pagsunod sa tamang proseso na galing sa kanilang Constitution and By Laws para maging ganap na membro ay umabot sila ng apat na buwan para matapos at tinatawag na 5i’s para sila ay mahasa at matuto ng maayos kung paano ipatupad ang tunay na adhikain ng Pinoy na Agila at ito ay ang paglilingkod sa Sangkatuhan sa pamamagitan ng pinalakas na Kapatiran o tinatawag nilang HUMANITARIAN SERVICE THROUGH STRONG BROTHERHOOD.

Sa nasabing Induction at Chartering ay kanilang naging Guest Of Honor and Speaker ang ating mahal na Consulate General sa Hong Kong ATTY GERMINIA Aguilar-Usudan at dahil sa kanyang mga nauunang imbitasyon bago ang Philippine Eagles ay pinahatid niya ang kanyang pagbati at mensahe sa mga mga Agila ng Hong Kong sa kanyang Deputy Con Gen. na si Kuya Atty. Allan G. Revote ng siyang nagpa abot ng mensahe na ngayon naman ay isa ng ganap na Kuya at membro ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club ng TFOE-PE Inc. Kasama ding Guest Of Honor and Speaker ay ang ating mahal na Assistant Labor Attachee ng Pilipinas sa Hong Kong na si Kuya Antonio R Villafuerte ng Migrant Workers Office na isa na ding Eagle member sa Hong Kong

Isang makabulohang mensahe naman ang binatawang salita ng Charter Club President na si Mar De Guzman sa kanyang acceptance spech na kung saan ay kanyang sinabi na “ dapat manatili ang pagmamahalan at pagkaka-ang mga kapwa OFW sa Hong Kong lalo na ang mga Agila dahil sila ay nasa bansang pare pareho silang banyaga at para matawag na nag iisang Agila to qoute “TO BE CALL ONE EAGLE LET US SHARE OUR IDEAS, TASK AND RESPONSIBILITY TO A BETTER RESULT OF OUR FRATERNITY AND NOT THE DECISION OF ONE. REMEMBER! UNITED WE STAND! DEVIDED WE FALL!”

Nagpasalamat naman sa kanya ang mga officers and members o mga Kuya at Ate ng nasabing New Chartered Club dahil sila ay napasama sa isang matatag na international Fraternity at Sorority na kung saan ay maglilingkod sa kapwa tao na walang hinihiling na kapalit kaninoman lalo na ngayon na sila ay nasa isang First Philippine Born Fraternal Socio-Civic Organization sa Pilipinas .

Matatandaan na ang TFOPE-PE ay itinatag noon 1979 sa Pilipinas at dahil sa kanyang adhikain na maglingkod sa Sangkatuhan ay nanatiling matatag at dumami ang mga membro lalo na sa ibat ibang Bansa kung saan ay pinamumunoan ng mga Pilipino ang bawat Clubs.

Bombo Report
Marlon Pantat De Guzman
Bombo International Correspondent- Hong Kong