-- Advertisements --
DAVAO CITY – Mainit na tinanggap sa Lungsod ng Davao ang dalawang international beauty queens.
Base sa larawan na kuha ni City Tourism Operations Office Head Generose Tecson, nagtungo sina Miss Universe 2017 Demi Leigh-Tebow at ang bagong Miss Universe Philippines 2022 na si Celeste Cortesi sa Tebow Cure Hospital sa Bajada nitong lungsod.
Nabatid na ang American football star na si Tim Tebow at asawa ni Miss Universe 2017 Demi Leigh-Tebow ang nagtayo noong 2014 sa nasabing ospital na nag-aalok ng libreng surgery sa mga bata na mayroong kapansanan na madali lang magamot.
Pinangunahan ni Tecson ang pag-welcome sa mga beauty queen.
Kung maaalala, isa si Demi Leigh sa nagsilbing host sa coronation night ng 2022 Miss Universe Philippines.