-- Advertisements --
Panibagong low pressure area (LPA) ang binabantayan ngayon ng Pagasa sa silangang bahagi ng Southern Luzon.
Ayon sa weather bureau, huling namataan ang naturang namumuong sama ng panahon sa layong 530 km sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Sa ngayon, maliit pa ang tyansa nitong maging ganap na bagyo.
Samantala, hanging habagat naman ang nagdadala ng ulan sa western section ng Southern Luzon at Visayas.










