-- Advertisements --
image 1

Tumaas ang bilang ng mga pinsalang may kaugnayan sa paputok sa pagdiriwang ng Bagong Taon matapos ang 85 karagdagang mga kaso ay naitala ng Department of Health.

Dinadala nito ang kabuuang caseload sa 137 mula sa 52 noong nakaraang araw.

Ang kasalukuyang bilang ay ang kabuuang mga kaso na naipon mula Disyembre 21 hanggang Enero 1.

Gayunpaman, ang kasalukuyang bilang ay 15 porsiyentong mas mababa kumpara sa parehong panahon noong taong 2021.

Iniulat na ang Metro Manila ay ang may pinakamaraming bilang ng mga biktima na may 64 na kaso, na katumbas ng 47 porsiyento ng mga kabuuang insidente.

Sa nasabing mga kaso, 41 kaso o 30 porsyento ang nagtamo na naputukan sa mata habang anim na kaso o apat na porsyento ang nagkaroon ng blast o burn injuries.

Dagdag dito, ang karamihan sa mga insidente ay dahil sa “boga” na isang improvised na kanyon na gawa sa kawayan at PVC pipe gayundin sa kwitis.

Liban nito, wala naman umano ang naiulat na kaso dahil sa stray bullet injury sa pagdiriwang ng bagong taon sa ating bansa.