-- Advertisements --
Nagtala ng 8,702 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa nitong Pebrero 3, 2022.
Ayon sa Department of Health (DOH) na dahil dito ay mayroong kabuuang 3,585,461.
Mayroon na ring 153,335 na aktibong kaso kung saan 143,493 ay mild, 4,923 ang asymptomatic, 1,528 ang severe at 323 ang nasa kritikal condition.
Umabot na rin sa 3,377,958 ang gumaling na matapos ang dagdag na 15,290 na pasyente ang gumaling.
Sa bagong bilang ay mayroong limang laboratoryo ang hindi nagsumite ng data sa oras.