-- Advertisements --

Pinangunahan ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez ang panunumpa sa tungkulin ng bagong talagang Philippine Honorary Consul na si Sharol Noblejas na magsisilbi sa Filipino community sa Florida.

Ayon sa PH Embassy sa Washington D.C, ang consular post ni Noblejas ay sa Jacksonville, Florida at saklaw ng kaniyang hurisdiksiyon ang buong estado ng Florida.

Sa kapasidad ni Noblejas bilang PH Honorary Consul sa Florida, nangako ito na kaniyang ipaprayoridad ang pangangailanan ng Filipino community at palalakasin pa ang pagkakaibigan sa pagitan ng PH at Amerika.

Kumpiyansa naman si Ambassador  Romualdez sa liderato ni Nobeljas, sa kaniyang integridad at pagmamahal para sa serbisyo publiko.

Aniya, ang Florida ay tahanan para sa malaking bilang ng Filipino community sa ilalim ng consular jursidiction ng Embahada kayat kailangan umano nila ang katulad ni Noblejas na may tapat na commitment para pagsilbihan ang Filipino community.

Bago ang appointment ni Noblejas, ito ay aktibong nakikibahagi sa community service. Presidente din ito ng Jax Filipinos at board member ng iba’t ibang community organizations. Sa kasalukuyan, nagsisilbi bilang board member ito at naging chairman para sa City of Jacksonville Mayor’s Asian American Advisory Board.