Nakikita ng Philippine Marine Corps ang “strategic vlaue” ang lugar kung saan ililipat nila ang kanilang heaquarters.
Mula kasi sa Taguig City ay ililipat na ng Philippine Marine Corps ang kanilang headquarters sa loob ng Bataan Technology Park sa bayan ng Morong.
Ayon kay PMC commandant MGen. Ariel Caculitan, “conducive” ang lugar na ito lalo na sa gitna nang ginagawang pagpapalakas sa Archipelagic Coastal Defense strategy.
Sang-ayon dito si BCDA Officer-in-Charge and CEO Aristotle Batuhan dahil ang 100-ektaryang lupain na lilipatan ng headquarters ng Philippine Marine Corps ay makakatulong para sa mabilis na emergency response at deployment ng mga tropa.
Sa kasalukuyan kasi aniya ay naabala ng traffic congestion ang operations ng Philippine Marine Corps sa headquarters nito sa ngayon sa Taguig City.
Ang bagong heaquarters ng Philippine Marine Corps sa Bataan ay paglalaanan ng P28-billion.
Ang initial phase ng naturang proyekto ay binubuo ng tatlong site development at construction packages na nagkakahalaga ng P7.5 billion, at inaasahang matatapos sa 2024.