-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tiniyak ngayon ng bagong halal na pangulo ng Philippine Councilors League-Cotabato Chapter ang buo nitong suporta sa lahat ng programa at plano na isusulong ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato para sa ikabubuti ng mamamayan ng probinsya.

Ito ang binitiwang pangako ni dating Arakan Cotabato Mayor Rene Rubino matapos itong mahalal bilang bagong PCL President ng probinsya sa isinagawang PCL Election sa Provincial Capitol Gymnasium, Amas, Kidapawan City na nilahukan ng abot sa 188 na mga konsehal mula sa 17 bayan at isang syudad ng lalawigan.

Ayon kay Rubino isang malaking pribilehiyo ang makapaglingkod bilang ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan at nagpasalamat ito sa suportang natanggap mula sa mga kapwa nito konsehal.

“As your newly elected PCL president, I am glad to widen my horizon as a policy maker not only for my hometown but for the entire province of Cotabato. I promise to always adhere my loyalty to our constitution and to our people,” wika ni Rubino.

Sinabi rin nito,” In doing so, I will be true voice of every sanggunian in our quest for meaningful and fruitful legislation in support to the plans, priority programs and projects of the provincial government.”

Sa PCL election nahalal din bilang Vice President si City Councilor Airene Claire “Aying” Pagal, napili namang bagong Secretary General si Libungan Councilor Patricia Rose Pader, Treasurer si Matalam Municipal Councilor Christopher Barraca, Auditor si Pigcawayan Councilor Kim Ree P. Gonzaga, PIO si Kidapawan City Councilor Judith G. Navarra, Business Manager si President Roxas Councilor Noel C. Mallorca at Board of Directors sina Carmen Councilor Anathy L. Naquitquitan,Banisilan Councilor Allan D. Macasarte, Antipas Councilor Rosalia P. Palma, Tulunan Councilor Claire L. Palma, Midsayap Councilor Morata Q. Mantil, Aleosan Councilor Leonida E. Cantomayor, Kabacan Councilor Myra Dulay-Bade at Makilala Councilor Lizel Mae Caoagdan.

Nagpaabot naman ng kanyang pagbati si Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa mga bagong halal na opisyal ng PCL at umaasa itong magiging katuwang ng provincial government ang Councilors League sa pagpapasa ng mga ordinansa at resolusyon na makakatulong sa pagpapaunlad ng lalawigan.

Ang nasabing PCL election ay sinaksihan ni Department of the Interior and Local Government Provincial Director Ali B. Abdullah, PCL National Adviser Atty. Allan Zulueta, PCL Regional Interim Vice Chairman Maria Lourdes F. Casabuena at Midsayap Mayor Rolly Sacdalan.