-- Advertisements --

Ipinahayag ng bagong kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na si Atty. Ivan John Uy na nagkaroon din ng pagbabago sa internet connectivity sa bansa.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Uy na mula nang maupo ang nakaraan administrasyon gumanda raw ang internet connectivity sa Pilipinas kasabay din ng pagbaba ng presyo nito.

Ito aniya ay dahil sa pagpasok ng third telco player sa bansa na nagbunsod ng madaming providers at broadband connectivity ngayon dahil sa fixed terrestrial lines sa bansa.

Dati raw kasi ay pumapalo sa 1,299 ang halaga ng 5mbps na internet noon na ngayon ay aabot na sa 50mbps sa kaparehong halaga.

Samantala, ibinahagi rin naman ni Uy na tututukan ngayon ng bagong administrasyon ang pagsasaayos ng internet connectivity sa buong bansa.

Partikular na sa mga liblib na lugar na mahirap maabot ng mga telephone company sa bansa gaya ng mga isla.

Bukod dito ay layunin din ng administrasyong ito na makamit ang free wifi signal para sa buong Pilipinas tulad na lamang ng sa ibang bansa.