Posibleng umabot sa 8,000 ang bilang ng mga bagong COVID-19 cases sa bansa ngayong araw, Hulyo 22, ayon sa OCTA Research group.
Ayon kay Prof. Guido David, noong nakaraang linggo ay 600 ang naittalang bagong COVID-19 cases, pero tumaas pa ito sa ngayon sa 800.
Ang reproduction number kasi aniya sa ngayon sa Metro Manila ay 1.15 na.
Dahil lampas na ito sa one, sinabi ni David na maituturing na itong “high risk” dahil sa mabilis na ang pagtaas ulit ng mga kaso.
Bagama’t hindi pa nakukompirma sa genome sequencing na ang Delta variant ang nasa likod nang pagsipa ng mga kaso sa Metro Manila, sinabi ni David na “malaki ang posibilidad” na ang naturang variant ang isa sa mga factors sa pagsipa ng infections.
Sinabi rin ni David na dapat ang Metro Manila at Cebu City ang gawing prayoridad sa COVID-19 vaccination.