-- Advertisements --

Simula Mayo 14, inaasahan ng OCTA Research Group na bababa sa 2,000 coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases kada araw ang maitatala sa National Capital Region (NCR).

Base sa latest report ng grupo, ang kasalukuyang daily average na 2,347 na bagong COVID-19 cases mula Mayo 1 hanggang Mayo 7 ay 58% na mas mababa kumpara sa peak ng surge mula Marso 29 hanggang Abril 4.

Ayon sa OCTA Research group, nagpapakita lamang ito na tuloy-tuloy ang downward trajectory para sa mga bagong COVID-19 cases sa NCR.

Samantala, ang reproduction number sa NCR ay bumaba naman sa 0.69 mula sa 0.83 habang ang positivity rate sa rehiyon ay naitala sa 15% sa nakalipas na linggo na mayroong average 21,866 tests kada araw.

Sinabi rin ng OCTA Research group na bumaba rin ang hospital bed occupancy sa 51% habang ang ICU occupancy ay bumaba naman sa 69%, bahagyang mababa kumpara sa critical level na 70%.