CAUAYAN CITY – Pormal ng ipinakilala ang bagong Commander ng Tactical Operations Group 2 sa katauhan ni Lt. Col. Sadiri Tabutol na kapalit ni dating Group Commander Col. Augusto Padua.
Noong February 19, 2021 ay pormal ng umupo bilang Group Commander ng TOG 2 si Lt. Col Tabutol.
Unang nanilbihan ang opisyal sa headquarters ng Philippine Air Force.
Sa naging pagsasalita ni Lt. Col Tabutol sa isinagawang UP-UP Isabela, sa kanyang pamumuno sa TOG 2 ay magpapatuloy ang mga gagawing episode ng usapang pangkapayaan, usapang pangkaunlaran o UP-UP na regular na isinasagawa ng TOG 2.
Bukod dito ay bibigyan din ng pansin ang mga programang naglalayong matuldukan ang problema sa insurhensiya alinsunod sa Executive Order 70 ni pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa kanya, sa ikalabing anim na episode ng UP-UP Isabela ay gagawin itong UP UP Cagayan Valley upang mas maging malawak ang sakop ng mga gagawing talakayan.