Malugod na tinanggap ni Commission on Election (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia bilang bagong Comelec commissioner si Atty. Ernesto P. Maceda Jr.
Ito ay matapos ang pormal na panunumpa ng bagong hirang na commissioner sa harap ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo.
Sa isang pahayag ay inilarawan ni Garcia si Maceda bilang isang beteranong election lawyer at election law professor at isang respetadong constitutionalist at personalidad sa akademya.
Kung maaalala, itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Maceda bilang ad interim Comelec Commissioner noong Oktubre 3, 2022.
Bago maging isang commissioner, siya ay dati nang nanguna Manila City Council elections sa edad na 23 taong gulang at naging City Vice Mayor ng Maynila sa edad na 28 taong gulang.