-- Advertisements --

Posibleng mabuo bilang bagyo sa susunod na 12 hanggang 24 oras ang namataang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Philippine Sea.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), huling namataan ang LPA sa layong 955 kilometers sa silangan ng Mindanao.

Sa oras na makapasok sa Philippine area of responsibility (PAR), tatawagin ito bilang Bagyong Quinta at tinatayang target ang direksyon patungong Bicol Region at Eastern Visayas area.

Kahapon ng umaga nang makalabas na sa PAR ang Bagyong Pepito matapos manalasa sa bahagi ng Luzon.