Inanunsiyo ni Taylor Swift ang pagbabalik niya sa big screen.
Sa kaniyang social media ay inanunisyo niya ang paglunsad ng “Taylor Swift: The Official Release Party of a Showgirl” sa mga sinehan sa darating na Oktubre 3.
Kasabay din nito ay ang paglabas ng bagong album na “The Life of a Showgirl”.
Kasama sa nasabing event ang kauna-unahang paglabas ng music video mula sa bagong album na “The Fate of Ophelia”.
Aabot sa mahigit isang oras ang nasabing pelikula at ito ay ipapalabas ng hanggang Oktubre 5.
Makikita rin sa pelikula ang behind the scene na mga video sa “Ophelia” ganun dina ng mga music video shoot, lyric videos mula sa ibang kanta ng “Showgirls”.
Magugunitang noong Agosto ay nagpahapyaw ang singer ng kaniyang bagong album at pagkatapos ng 13 araw inalok siya ng kasal ng nobyong si Travis Kelce.