Target ng Land Transportation Office (LTO) na matugunan ang 2.4 million driver’s license na backlogas sa loob ng 2 hanggang 3 buwan.
Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza II, nagpaso na kasi ang temporary restraining order sa deliveries ng lisensiya sa pagmamaneho.
Matatandaan na noong Abril, inanunsiyo ng LTO na magiimprinta ito ng papel na driver’s license pansamantala dahil sa kakulangan ng plastic cards.
Inanunsiyo naman ng dotr na inaasahang babalik sa normal ang suplay ng plastic cards sa Setyembre matapos makapagpadala ang Banner Plasticard Inc. ng inisyal na 5,000 piraso.
Subalit hindi nakapagpadala ang kompaniya at itinigil ang produksiyon dahil sa temporary restraining order na inisyu ng Quezon City Regional Trial Court Branch 215, na naguutos sa LTO na pansamantalang itigil ang kontrata sa kompaniya.