-- Advertisements --

Sinimuln na ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na imbestigahan ang ‘Backdoor exits’ na ginagamit bilang ruta ng human traffickers palabas ng Pilipinas.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), kamakailan binisital ng delegasyon ng inter-agency na pinamumunuan ni Undersecretary-in-Charge Felix L. Ty ang Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi (ZamBaSulTa) noong Enero 21 hanggang 26.

Ito aniya ay ang unang bahagi ng pagsisiyasat ng inter-agency ukol sa naturang backdoor exits kung saan nagsagawa ng mga konsultasyon sa mga opisyal ng ZamBaSulTa sa layong maimulat ang kamalayan ng mga Pilipino sa human trafficking.

Samantala, tiniyak naman ng DOJ na gagawa pa sila ng mas pinaigting na mga hakbang sa pagbabantay sa mga backdoor exits sa karagatan.