-- Advertisements --

Hindi pagbabawalan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aangkas ngayong umiiral ang modified enhanced community quarantine.

Pahihintulutan sa daan ng PNP ang mga motorcycle drivers na hindi authorized persons outside of residence o APOR, kung sila ay maghahatid ng mga essential workers at medical frontliners.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations at JTF Covid Shield Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar, Ito ang desisyon ng National Task force against Covid 19 sa gitna ng pagbabawal ng pampublikong sasakyan sa ilalim ng MECQ.

Paliwanag ni Eleazar, Ito ay bilang konsiderasyon sa mga medical at essential workers na walang masakyan at umaasa lang sa kamag-anak o kaibigan na may motor pero hindi APOR, para makapasok sa trabaho.

Pero paalala ni Eleazar kailangan na mayroong nakakabit na authorized barrier ang motor para mag-Angkas.
Una dito, inanunsyo ni PNP Director for Operations at JTF Covid Shield Vice Commander PMgen. General Emmanuel Luis Licup na papayagan narin kahit hindi mag-asawa ang magka-Angkas sa motor. Basta aniya ang pasahero ay APOR at hindi naniningil ng bayad ang driver ng motor.