-- Advertisements --
Tinalaga ng Malacañang si Richard Bachmann bilang bagong Chairperson ng Philippine Sports Commission (PSC).
Ang dating University Athletic Association of the Philippines Commissioner ay magiging kapalit ni Noli Eala, na nai-appoint ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong buwan lamang ng Agosto.
Maliban sa pagiging bahagi ng Athletic Association, naging team governor din ito ng isang koponan sa Philippine Basketball Association (PBA).
Sinasabing si Eala ay naging pinuno ng government’s sports agency sa panahon ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez.
Samantala, si Bachmann naman ay nasa Estados Unidos pa ngayon, kaya hindi pa siya makakapanumpa sa tungkulin.
Babalik siya sa bansa sa darating na Disyembre 30, 2022.