Tumayong Ninong at Ninang si PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar at ang kanyang maybahay na si Mrs. Rosalie Eleazar sa lalaking sanggol na isinilang noong Setyembre 16,2021 sa loob ng Kiangan Treatment Facility sa Camp Crame.
Ang binyag ay idinaos kahapon sa camp Crame, kung saan kasama din sa mga nag-ninong ang mga iba pang opisyal ng PNP Command Group na sina TDCA Lt.Gen. Joselito Vera Cruz at TDCO Lt.Gen. Ephraim Dickson.
Magugunitang ang ina ng bata na isang patrolwoman na naka-assign sa Manila Police District Station 9 (MPD-9) ay naka-quarantine sa Kiangan Treatment Facility matapos mag positibo sa Covid-19 at nuong nasa 11th day na siya ng quarantine nang siya’y manganak.
Tinulungan siya sa panganganak ng isang PNP Physician at isang non-uniformed personnel na naka-quarantine din noong panahong iyon.