Nakakulong na ang isang babae dahil sa tangka nitong pagpatay kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Ayon sa Ukrainian Security Service (SBU) na ang hindi pinangalanang babae na mula sa Mykolav ay isa umanong informant ng Russia.
Ilang beses umano itong kumukuha ng mga impormasyon kung kailan bibisita si Zelensky sa Mykolav para doon isagawa ang airstrike.
Nakakuha ng mga ebidensiya ang SBU at naaktuhan pa nila ito na nagpapasa ng mga mahalagang impormasyon sa Russia.
Umiikot umano ito ay kumukuha ng mga larawan kung saan nakalagay ang mga electronic warfar systems at bodega ng mga bala ng sundalo ng Ukraine.
HIndi lamang ito ang unang may nagtangka sa buhay ng pangulo ng Ukraine dahil noong Pebrero 2022 ay isang sundalo ng Russia ang gumamit pa ng parachute para patayin si Zelensky.