-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ni PLt. Tolentino Erum, ang hepe ng PNP sa bayan ng Nueva Era na nahuli nila ang isang babai sa bisa ng warrant of arrest.

Ito ay dahil sa kasong paglabag sa PD 1602 o ang anti illegal gambling law.

Sinabi nito na ang suspek ay 31-anyos, may asawa at nahuli mito sa kanyang bahay sa Brgy. Casili dito sa lungsod.

Nabatid na ang suspek ay isa sa mga nagsugal sa naturang barangay noong nakaraang buwan at nakatakas habang isinasagawa ang operasyon.

Narekomendahan naman ng 30,000 piso para sa temporaryo nitong kalayaan.