-- Advertisements --
Nahaharap sa batikos ang isang babaeng government minister sa France dahil sa paglabas nito bilang front cover ng adult magazine na Playboy.
Si Marlene Schiappa ay government minister mula pa noong 2017 ay binabatikos ngayon ng kaniyang kapartido.
Laman ng nasabing magazine ang 12-pahina na panayam sa kaniya patungkol sa karapatan ng mga kababaihan at LGBTQ.
Siya rin kasi ang kasalukuyang Minister for the Social Economy and French Association.
Kabilang sa mga nagbatikos sa kaniya ay si French Prime Minister Elisabeth Borne kung saan hindi aniya nararapat at nababagay dahil sa krisis na kinakaharap ng kanilang bansa kung saan nagsagawa ang mga ito ng kilos protesta dahil sa kontrobersiyal na pension reforms.










