-- Advertisements --
CEBU CITY – Nahuli ang isang lalaki sa Toledo City, Cebu pagkatapos niyang sinaksak ang dating kasintahan.
Nangyari ito sa Magsaysay Hills, Barangay Poblacion, Siyudad sa Toledo kagabi.
Ang biktima ay si Jessierae Maceda Wabe, 25, may live in partner na.
Habang kinilala ang suspek ay si Jaypee Golez Pajaron na kapitbahay rin ng biktima.
Base sa imbestigasyon sa Toledo City Police Station ni Police Lieutenant Colonel Junnel Caadlawon, na habang bumili ng pagkain sa tindahan ang biktima, sinaksak ito sa likod gamit ang kutsilyo.
Tumakas agad ang suspek pagkatapos ng insidente at dinala ang biktima sa Toledo City General Hospital.
Nag hot pursuit operation ang mga awtoridad at nahuli rin agad ang suspek at kasalukuyang hinahanda ang kaso.