TACLOBAN CITY – Patay ang isang babae samantalang sugatan naman ang kasama nito matapos na bumangga ang kanilang sinasakyang single motorcycle sa Barangay San Vicente sa Alang-alang, Leyte.

Kinilala ang nasawi na si Lani Perfer, 18, residente ng naturang lugar samantalang sugatan naman ang nobyo nito na kinilala na si Raymark Palmucada, 19, residente ng Barangay Bugho, Alang-alang, Leyte.

Ayon kay Capt. Ambrosio Dimain, hepe ng Alang-alang MPS, batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon ihahatid na sana ng lalaki ang kaniyang nobya pauwi sa kanilang bahay nang bigla itong mag “U” turn at nabangga nang dumadaang SUV.

Nagtamo ng grabeng injury sa ulo ang babaeng biktima dahil sa lakas ng impact ng pagkakabanga.

Samantala sa ngayon ay patuloy na nagpapagaling ang naturang lalaki.

-- Advertisement --