NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang babae habang nagpapalutang-lutang sa irrigation canal sa Lagonoy, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Grace Briones, 26-anyos, residente ng Zone 1, Brgy. Agpo sa nasabing bayan.
Ayon kay Rommel Batanes ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO)-Lagonoy, ng matanggap umano nila ang report hinggil sa insidente, agad nila itong nirespondehan kasama ang PNP at BFP-Lagonoy.
Dagdag pa nito, ayon umano sa mga nakakita sa biktima, nakipag-inuman ito sa mga kapitbahay nito at habang pauwi na sa kanilang bahay nang mahulog ito sa nasabing kanal na naging dahilan ng kaniyang pagkalunod.
Ayon pa kay Batanes posibleng isa o dalawang oras na ang nakalipas simula nang mahulog ang biktima bago ito natagpuan.
Sa ngayon, panawagan na lamang ng opisyal sa mga residente na maging maingat upang maiwasan ang ganitong klase ng insidente.