-- Advertisements --
Umangat pa ang world rankings ng Philippine Azkals.
Sa inilabas na men’s world rankings ng FIFA ay nasa pang-135 na ang puwesto ng Azkals na mas mataas ng isang puwesto mula sa dating 136.
Ang nasabing pag-angat ng rankings ay kahit na bigo ang national men’s football team sa ginawang friendly games laban sa Nepal at Chinese-Taipei noong Hunyo.
Dahil dito ay napanatili ng Azkals ang kanilang 23rd-highest sa mga bansa sa Asian Football Confederation at pangatlo sa Southeast Asia.
Nanatili naman sa unang puwesto ang World Cup winner na Argentina habang nasa pangalawang puwesto ang France, pangatlo ang Brazil pang-apat ang England at pang-lima ang Belgium.