-- Advertisements --

Nabigo ang Philippine Azkals sa harap ng kanilang Pinoy fans matapos na talunin sila ng Vietnam 2-0 sa 2026 FIFA World Cup Qualifiers sa Rizal Memorial Stadium.

Maagang nakapagpuntos ang Vietnam 1-0 sa loob ng 16 minuto ng first half sa pamamagitan ng goal ni Nguyen Van Toan.

Pagdating ng second half ay pinilit ng Azkals na maitabla ang laban sa harap ng mahigit na 10,000 fans na nanood ng laro.

Naipasok naman ni Nguyen Dinh Bac ng Vietnam ang goal sa kanilang extra time para tuluyang selyuhan ang kanilang panalo 2-0.

Pagtitiyak naman ng Azkal na gagawin nila ang lahat ng makakaya para maipanalo ang susunod na laban na makakaharap nila ay ang Indonesia sa darating ng Nobyembre 21.