-- Advertisements --

Kinompronta ng singer na si Avril Lavigne ang isang babaeng topless environmental protester habang ito ay nasa stage ng Juno Awards sa Canada.

Pag-akyat kasi sa stage ng singer para ito ay magtalumpati ay doon sumabay din ang protester kung saan nakasulat ang “save the green belt” na tumutukoy sa kontrobersyal na housing development plan ng gobyerno ng Ontario.

Matapos na mapababa nito ang protester ay doon niya itinuloy ang kaniyang talumpati.

Pinuri naman ng host na si Simu Liu ang singer dahil sa mapayapang pagtugon nito sa protester.