-- Advertisements --

Nag-abiso ang Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong araw na pansamantalang matitigil ang kanilang authentication services sa apat na consular offices sa Metro Manila simula sa huling bahagi ng buwan ng Hulyo.

Ito ay para bigyang daan ang intensive training ng mga personnel ng ahensiya.

Kabilang sa mga consular offices na pansamantalang matitigil ang pagtanggap ng authentication applicants ay sa Consular Office sa NCR West sa SM Manila mula July 18 hanggang July 29, Consular Office sa NCR East na nasa SM Megamall mula August 1 hnaggang 12, Consular Office sa NCR Northeast sa Ali Mall Cubao mula August 15 hnaggang 26 at ang Consular Office sa NCR South sa Alabang Town Center mula naman August 29 hanggang Styembre 9 ng kasalukuyang taon.

Suablit maaari pa rin na magtungo ang mga wlk-in applicants sa DFA Aseana sa Parañaque City.

Para naman sa mga aplikante na mayroong scheduled online appointments sa Consular Office sa NCR west mula July 18 hanggang July 29, maaring magtungo sa DFA Aseana sa pagitan ng oras na 8am at 4pm. Mangyari lamang na dalhin ang appointment confirmation at mga dokumento.