-- Advertisements --

Nagtala ng record ang 22-anyos na swimmer mula Australia.

Nakuha kasi ni Kaylee McKeown ang record sa 50m backstroke ng magtala ng 26.86 seconds sa Duna Arena sa World Cup event sa Budapest, Hungary.

Siya rin ang unang tao na magkakasabay na may hawak na 50m, 100m at 200m backstroke world records.

Siya rin ang unang Australian na may hawak na 50m backstroke world record mula ng makuha ni Sophie Edington sa taong 2008.

Labis itong nasiya dahil sa nagawang record at hindi niya inaasahan na makamit ang nasabing tagumpay.

Naghahanda na rin aniya ito para sa 2024 Paris Olympics.