-- Advertisements --
KUBLER X HIJIKATA

Nakamit ng sports partner na sina Jason Kubler, isang Filipino Australian, at Rinky Hijikata, isang Japanese Australian ang kampeyonato sa 2023 Australian Open Doubles Championship.

Nasungkit ng dalawa ang tropeyo matapos itong makapuntos ng 6-4, 7-6 (4) na panalo sa men’s doubles title sa Australian Open nitong Sabado laban kina Hugo Nys at Jan Zielinski.

Ito ang kauna-unahang Grand Slam title para kina Kubler at Hijikata, ngunit ito rin ang nagsisilbing ikatlong pagkapanalo ng Australian team sa men’s doubles title sa nasabing kompetisyon.

Kwento ng dalawa, ang pagkapanalong ito ay hindi nila lubos na inaasahan dahil ito anila ang unang bes na naglaro sila bilang isang team sa isang torneyo.

“He (Rinky) was actually the reason we teamed up for this tournament,” saad ni Kubler.

“I wasn’t sure I was going to play, then Rinky asked me and I decided to play. Two weeks later, now we’ve got this trophy.” dagdag pa niya.

Samantala, lubos naman ang naging pasalamat ng dalawang manlalaro sa lahat ng suporta at pagtitiwala ng lahat ng bawat isa habang tinatahak nila ang kanilang landas sa pagkapanalo sa naturang kampeyonato.