Nagpahayag ng interest si Australian national team coach Brian Goorjian na maging head coach ng Gilas Pilipinas.
Ito ay matapos na dumating sa kaniyang kaalaman mula sa Samahang Basketball ng Pilipinas na hindi pa sila nakakahanap ng coach ng national basketball team ng bansa.
Nasa bansa kasi ang 70-anyos na Australian coach dahil sa nagsisilibing consultant ng Strong Group athletics na pinamumunuan ng head coach na si Charles Tiu.
Dagdag pa ng Australian coach na bukas ito sa pag-coach ng Gilas kapag natapos na ang coaching contract niya sa Australian national basketball team ng hanggang Paris Olympics sa buwan ng Hulyo.
Nasaksihan kasi nito ang hilig ng mga Pinoy sa basketball dahil naging coach na rin ng Bay Area na guest team ng PBA.
Kung hindi man palarin ay maari rin itong maging coach ng anumang PBA team ng bansa.