-- Advertisements --
Kinansela na ng Australian government ang citizenship ng isang Algerian-born Muslim cleric na nakakulong dahil sa planong terror attack.
Si Abdul Nacer Benbrika ay hinatulang makulong ng 15 taon noong 2009 na nakatakdang mapalaya sa susunod na buwan.
Paliwanag ni Home Affairs Minister Peter Dutton, na ang hakbang ay tama lamang para na rin sa proteksyon ng kanilang mamamayan.
Dahil sa desisyon ay naglalagay kay Benbrika na maging unang tao na tatangalan ng Australian citizenship habang ito ay nasa bansa pa.
Nasa batas kasi ng Australia na maaaring tanggalan ng citizenship ang isang tao kung ito ay mayroon dual-citizenship para matiyak na hindi magiging stateless ang isang indibidwal.