-- Advertisements --
Australian Embassy Manila

Inanunsiyo ng Australian Embassy sa Manila na magiisyu ito ng work and holiday visa para sa 200 Pilipinong edad 18 hanggang 30 anyos kada taon na sisimulan sa 2024.

Sa pamamagitan ng nasabing visa, maaaring magkaroon ng panandaliang trabaho ang mga Pilipino sa Australia para makatulong na mabayaran ang kanilang holiday.

Maaari ding makapag-aral ng hanggang apat na buwan.

Makapag-travel sa Australia ng maraming beses.

Una rito, lumagda ang Pilipinas at Australia ng isang memorandum of understanding (MOU) para sa “Work and Holiday” visa arrangement sa naging official visit ni Australian Prime Minister Anthony Albanese sa Malacañang noong Sept. 8.

Sa ilalim ng MOU, mabibigyan ng pagkakataon ang mga kwalipikadong participants mula sa Australia at PH ng “Work and Holiday” visa na nagpapahintulot sa kanilang mamalagi at magtrabaho sa nasabing mga bansa sa loob ng isang taon.