-- Advertisements --
Bahagyang bumagal ang tropical depression Auring habang papalapit sa Caraga region.
Pero ayon kay Benison Estareja ng Pagasa, sa pagbagal ng bagyo ay inaasahang makakaipon ito ng lakas para maging tropical storm category ito simula bukas.
Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 715 km sa silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Sa latest track ng bagyo, pakanluran pa rin ang direksyon nito at inaasahan ang landfall sa Caraga region sa araw ng Linggo.