Tatlong linggo matapos ibahagi na buntis na sa first baby, panay na ang pagsapubliko ni Assunta de Rossi sa kanyang baby bump.

Mismong si dating Negros Occ. Representative Jules Ledesma ang nagpo-post sa “preggy” photos ng kanyang 37-year-old celebrity wife.

Nabatid na “miracle baby” kung ituring ni Assunta ang kanyang pagbubuntis lalo’t nabuo lamang ito matapos ang kanilang civil wedding noong 2002 na nasundan ng church wedding.

Bukod pa ito sa pagkakaroon niya ng myoma at endometriosis.

Sa ngayon ay nasa 16th week na ng kanyang pagdadalang-tao si Assunta o nasa four months na.

Kabilang na si Assunta sa celebrity line-up na buntis sa kabila ng coronavirus pandemic:

Isabel Oli happily- third baby kay John Prats
Iya Villania- third baby kay Drew Arellano
Jewel- second baby kay Alex Kurzer
Bangs Garcia- second baby kay Lloydi Birchmore
Max Collins- first baby kay Pancho Magno
Margaret Younghusband- first baby kay Phil
Coleen Garcia- first baby kay Billy Crawford

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na may dalawa ng anak ang dating mambabatas mula sa yumaong asawa noong 2000 na sina Cristina, 29, at Carlos na 24-anyos na.