-- Advertisements --

Binigyang diin ng Office of the Ombudsman na ‘frozen’ o naka-freeze pa rin ang mga assets ng lahat ng mga sangkot sa kaso ng maanomalyang flood control projects.

Sa isang pahayag, nilinaw ni Assistant Ombudsman Atty. Mico F. Clavano na hindi pa rin hawak ng mga respondents ang kani-kanilang mga pera o assets na nasa bangko.

Bagama’t aniya’y mayroon ng mapapaso o ‘expire’ na ‘freeze order’ laban sa mga ito, giit ni Ombudsman Spokesperson Clavano, nakakuha naman ang tanod-bayan ng ‘asset preservation order’.

Ibig sabihin, mananatiling naka-freeze ang mga ‘bank accounts’ alinsunod sa ‘civil forfeiture cases’ na inihain kontra sa mga inaakusahan at iniimbestigahan sangkot sa korapsyon.

Kaya nama’y pinaliwanag pa ng naturang tagapagsalit ng Office of the Ombudsman ang teknikalidad ukol sa layon mapanatiling ‘frozen’ ang mga bank accounts ng sangkot.

Sa kabila kasi ng ‘expiration’ ng ‘freeze orders’, positibong ibinahagi ng opisyal ang paraan ng tanod-bayan para hindi muling mapasakamay ng ‘respondents’ ang kanilang ‘bank accounts’.

Samantala, pagtitiyak naman ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na tuloy-tuloy ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa maanolyang flood control projects.

Kanyang pinanindigan ang naunang posisyon na hindi na magbabanggit pa ng susunod na makakasuhan bagkus hinomok ang publiko na maghintay na lamang muna.

Bagama’t hindi direktang sinagot kung mayroon ng susunod na makakasuhan, kanyang sinabi na asahan ngayong ‘tag-init ay iinit’.